NAKATANGGAP ng tawag si Nikolai, mula sa kapatid na bunsong si Brent. “On the way na ako,” pagkatapos makipag-usap ay end-call at agad na naligo may nagmamadaling kilos. At wala pa yatang limang minuto ay nakabihis na agad pagkatapos ay tumakbo na palabas nang mansion. Nadaanan niya sa may garden ang biyenang lalaki, kahit galit ito sa kaniya ay nagpaalam pa rin siya. At kahit hindi siya nito sinagot ay ayos lang, ang mahalaga ay pinayagan siya nitong manatili sa mansion. Pagdating sa kina paradahan ng kaniyang motorcycle ay mabilis na isinuot ang helmet at humarurot palabas nang mataas na gate. Hindi siya mapalagay sa sinabi ng kapatid, imposibleng ma-involve si Brent, sa patayang nagaganap. Ngayon ay naniniwala na siya sa sinabi ni Aaliyah, may mga tauhan pa ang kalaban na kumikilos ka

