LAHAT ng pagpipigil ay ginawa niya upang hindi naman isipin ni Aaliyah, na sinasamantala niya ang pagkakataon. Inayos niya ang pagtulog nito nilagyan din ng unan ang kaniyang harapan ng 'di maging obvious kung sakaling magising ito. At sinikap na matulog, siguro naman ay ayos lang na yakapin niya dahil mag-asawa pa rin naman sila. Agad nakaramdam ng pamimigat nang mata at maya maya lang ay nakatulog na. Ang akala ay isang panaginip lang ang namulatan niya ng mata, subalit ng gumalaw ang katabi ay tuluyang nagising. At napabalikwas siya ng bangon, ganon din si Aaliyah. "Akala ko ba naghiwalay na kayo bakit dito natutulog ang herodes na lalaking ito?" "Papa, ahm… ano po kasi… "Tumayo ka riyan Aaliyah! At ikaw na lalaki ka! Anong akala mo sa anak ko, pampalipas init ng katawan mo? Pag aya

