MAGKAKASUNOD silang bumaba mula sa penthouse ni Nikolai. "Saan ba tayo pupunta?" hindi nakatiis ay nag tanong siya sa dalawang kapatid. "Kuya sa sobrang busy ka ay nakakamutan mo na ang araw na ito, i mean ang gabing ito." nakangiting sagot ni brent sa kaniya. Napaisip siya sa sinabi ni Brent. Ano ba ang ibig nitong sabihin? Wala naman siyang alam na okasyon sa gabing 'yon. Ngunit hindi na lang siya nagtanong pa at tahimik na sumunod sa dalawa. Dahil pagod ay nakatulog siya at nang magising ay nakahinto na sila. "Halika na kuya, 'yong regalo natin kuya Aaron, baka makalimutan." "Anong regalo? Meron ba non?" "Naroon sa likod ng sasakyan." "Para saan ang regalo?" sino kaya ang bibigyan nila at ano ang okasyon? "Let's go Kuya, naghihintay na sila sa loob." "Okay," sino kaya ang pupu

