HINDI alam ni Aaliyah, laging nakamasid ang triplets sa kaniya. Sa bawat gabing pag-iyak ay nakasubaybay ang mga anak, at kahit pilitin ang sarili na maging maayos sa harapan ng mga ito ay ang pagkahulog ng katawan ang patunay na mabigat ang dinadalang problema. "Mom, can we talk? Malaki na po kami, sa totoo lang alam naman po namin na alibi mo lang ang pagiging busy ni Daddy, sa trabaho. Pero ang totoo ay wala na siya sa buhay natin. Pasensya na po kung nanghihimasok kami sa mga nangyayaring. Ngunit may karapatan din naman siguro na malaman namin ang katotohanan." "L-Luke, ahm... T-tama ka wala na sa atin ang daddy niyo. Hiwalay na kami at pinirmahan ko na ang annulment na hiningi niya." "Bakit may ibang pamilya na ba siya?" H-Hindi ko alam, pero may kasalanan din ako sa dad niyo kaya

