TRIPLETS, 15th birthday. “Bakit dito tayo dumaan?” “Dito ang sabi ni Kuya Niko, halina kayong dalawa at late na tayo ay nakakahiya.” “Magkahawak kamay ang mag-ama at nakasuot pa ng terno pati kulay ay pareho.” Kaya karamihan sa nakakakita sa kanila ay natutuwa lalo na sa anak na laging nakangiti. “Brother, dito tayo.” “Pasensya na kuya medyo late kami.” “Ayos lang ang mahalaga ay nakarating kayo.” Kahit nagtataka ay hindi na lang nagtanong si Aaron, sumunod na lang siya sa kapatid na panganay habang ang anak ay isinama ng kapatid na bunso. Samantala alam ni Nikolai, na hindi lang nagsasalita si Aaron ngunit gusto nang magtanong. Siya naman ay umiiwas dahil baka hindi siya makapagpigil ay masabi niya dito ang totoo. Pagdating nila sa ikatlong palapag ay binuksan niya ang isang pint

