DUMATING sa hospital si Allanah, hindi para dalawin ang tiyahin kundi masiguro na totoong buhay ito. O tamang sabihin na sinisigurung hindi ito fake. “Bakit iyon ang iniisip mo Ate Allanah?” “Dahil may gumagamit ng mukha niya at ni Mama, kagaya ng nangyari sa mama ni Nikola. Hanggang ngayon hinahanap ko ang babaeng 'yon dahil hindi pa rin siya nahuhuli. Kung naalala mo ‘yung panahon na sumugod akong mag-isa sa kuta ng fake na mukha ni Mama, na met ko ang inaakala kong si Mama. Ang babaeng iyon ang matagal ko ng hinahanap. Kaya hindi ako tumitigil sa paghahanap, dahil hindi pa rin secure ang sitwasyon natin." Saka pala lang naunawaan ni Aaliyah, kung bakit halos hindi ito nagpapakita sa mansion ng mga magulang. Ang iniisip nga niya ay galit ang kapatid o masama ang loob sa kanilang mama.

