PALAKAD lakad si Nikolai, naroon siya sa gilid ng bintana habang hinihintay na magising ang asawa. Pinagod niya ito kaya ilang oras nang tulog ay hindi pa rin gumigising. Pero may naghihintay na tao kaya kailangan niya itong gisingin. “Baby, gumising ka muna alam kong pagod ka kaya lang may taong naghihintay sa iyo.” banayad niyang inaalog ang balikat nito hanggang nagmulat ito ng mga mata. “Ahm…a-anong sinasabi mo?” “Sabi ko may tao na naghihintay sa iyo, ayaw sana kitang gising ngunit napakahalaga ng dala niyang balita.” “Sino ba ‘yon?” “Si Mang Domeng, ang dating tauhan ng Papa mo.” “Ano raw nag kailangan niya?” “Ang Tita Alexa mo ay… “Tita Alexa?” Balikwas siya ng bangon ng marinig ang pangalang binanggit ng asawa. “Sandali totoo ba na si Tita Alexa, ang kapatid na Mama?” “Yes

