NAKATANGGAP ng email si Aaron, galing iyon sa kaniyang hipag na si Aaliyah. Gusto nito na magkita sila sa isang lugar, ang ipinagtaka niya ng sabihin sa kaniya na hindi maaaring ipaalam sa kuya niya. “Anong pag-uusapan natin Ate Aaliyah?” “Help me, makikipagkita ako sa babaeng gusto sumira sa amin ng kapatid mo. Alam mong wala akong kakayahan lumaban kaya kailangan ko ng tulong mo.” “Bakit hindi mo kausapin ang kakambal mo, mapanganib ang babaeng ‘yon. Ayaw kong dumating ang oras na mapahamak ka, dahil ako ang papatayin ni Kuya.” “Hindi naman tayo susugod sa lugar niya, makikipag kita ako sa isang safe na lugar upang isampal sa kaniya ang mga larawan na paulit-ulit niyang ipinapadala sa mansion.” “A-Alam mo na, Ate Aaliyah?” “Yeah, at kung inaakala ng babaeng ‘yon na magagawa niya k

