NAKATAYO si Aaron, sa mismong gate ng Forbes. Ayaw niyang umuwi hangga’t hindi nakakausap ang kuya niya at gusto sanang tawagan. Ngunit mas ginusto na lang kaharap ito upang ipaliwanag ang kaniyang side. “Boss, halos madaling araw na hindi ka pa ba uuwi?” “Okay lang ako guard, dito rin dadaan ang hinihintay ko.” “Ikaw ang bahala, pero sigurado around eight up to nine in the morning pa lalabas ng gate ang hinihintay mo.” “Ayos lang.” Kahit madaling araw na ay hindi siya nakakaramdam ng antok, walang nasa isipan kundi ang kapatid. Hindi siya mapapalagay hangga’t hindi sila nagkaka ayos. Kaya’t nang magliwanag na ang paligid ay binabantayan niya ang mga sasakyan na lumalabas. Patuloy siya sa paghihintay hanggang nagsimula nang sumikat ang araw. Naka upo siya sa kaniyang motorcycle, hang

