Halos maningkit ang mata ni Lander, galit na galit siya sa taong kaharap. At kahit anong paliwanag nito ay hindi niya kayang tanggapin. Pero nang hilahin siya ng kapatid na si Lance ay nag patianod siya dito. “Brother, pigilan mo ang galit dahil hindi makakatulong ang ganyan.” “Sinusubukan ko naman kuya Lance, ngunit hindi ko mapigilan. Bakit kasi ayaw niyang aminin, na magkasama sila ng anak ko sa mga oras na ‘yon nang mangyari ang trahedya.” “Baka naman nagsasabi siya ng totoo.” “Nakita naman natin ang kopya ng CCTV, magkasama nga sila bago nag lost connetion.” “Alam ko, pero hindi mo ba naisip na ang oras ay napakalaki ang pagitan? So, maaaring nag hiwalay na silang dalawa bago pa nangyari ang malaking sunod.” “Kung gano’n ay sinadya nga ang pagka sunog.” "Wala pa tayong hawak n

