SAMANTALA ilang buwan na ang lumipas ngunit, hindi pa rin ba nagbabago ang plano. “Ms. Mcryne, naiinip na si Madam.” “Bakit ka ba nagmamadali? Hayaan mo ako at darating din tayo sa final.” “Bahala ka, ilang beses nang nagsalita si Madam.” “Pabayaan mo ang matandang ‘yon, hindi niya ako dapat madaliin.” “Ang hindi ko maintindihan sa inyo, bakit siya ang binalingan ninyo?” “Dahil siya ang kailangan ng founder.” “For what? Marami naman na ibang mayayaman?” “Dahil siya ang pinakamakapangyarihan sa lahat ng kilala ko.” “Bakit may mga babaeng labas masok sa kuwarto niya?” “Para sa pangangailangan niya, para kang hindi lalaki upang tanungin ang bagay na ‘yon. Kaya lahat ng ipinagagawa ko sa’yo ay siguraduhin makakarating sa babaeng ‘yon. “Humn…talaga bang dahil doon, o baka naman dahil

