HANGGANG maaari ay ayaw niyang sagutin si Conception, ngunit masyadong makulit ito. “Ilang buwan ka na ba sa kuwartong ito?” “Kuwarto ba ang tawag mo sa rehas na ito?” “Okay, rehas na silid ayos ba?” “Nagagawa mo pang mag biro, at kung tinatanong mo kung gaano na ako katagal dito ay sasabihin ko saiyo. Magmula nang sunugin nila ang Law Firm ko. Nagising na lang ako sa lugar na ito, araw-araw din na may iba’t-ibang babae ang dinadala dito ni Morgan Gonzaga Mcrhyne.” “Galit ka na niyan, buong pangalan na niya ang binabanggit mo huh!” “Anong klaseng tanong ‘yan, hindi mo ba napapansin na sa apiyedo kita tinawag? Iyon daw ang gusto ni Madam nila, at huwag babanggitin ang first name.” “I see, pero ngayon bigla mong binanggit ang full name ng b*tch na ‘yon.” “Maka panglait ka parang hind

