Makati… Maaga siyang dumating sa lugar, kung saan makikipag kita siya sa isang babae. Ang napipisil ng ina para sa kaniya ngunit lumampas na ang limang minuto ay wala pa rin ang babaeng hinihintay. Kaya nagpasya na siyang tumayo at akmang aalis ng may babaeng humahangos na dumating. Hindi siya nagsalita at tahimik lang na pinagmasdan ang babae. Maganda, matangkad, slim, sexy, maputi, may kaakit-akit na mata, mapupulang labi at higit sa lahat ay… “Sorry, I’m late.” “Ayos lang, bakit ka pala tumatakbo?” “Ahm, kasi naman si Tita Nicole, ang daming tawag at sabi ay kanina ka pa naririto.” “Anong pangalan mo?” gusto niyang matawa sa reaction ng babaeng kaharap. “Lalaine Saavedra and you are Nikolai, right?” “Exactly, saan ka nakatira dito?” wala siyang ibang alam itanong kaya kung anong

