Dahil disconnected ang mga CCTV ng mga oras na nangyari ang krimen ay hindi nakita ang naganap sa loob ng ginamit na kwarto ni Aaliyah. Maliban sa huling kuha sa pasilyo ng hotel at ang pagpasok ng apat na lalaki sa kwarto kung saan naganap ang krimen sa biktima na si Nikolai Montemayor. Sa kwarto naman na katabi nito ay kapansin pansin ang pagkatuklap ng bagay na inalis sa wall. Samantala ay agad namang nagbigay ng statement si Atty. Lath Montemayor, kasama ang bodyguard niya na si Jong. Sinabi nila na tanging si Brent Conception, Aaliyah De Lion at ang tatlo pang kasama ng mga ito ang huling tao na lumabas sa room na pinangyarihan. Kinumprima rin nila na si Brent Conception, kasama ng tatlo pa ang mga criminal. Tumawag din siya sa immigration at cost guard upang i-hold ang limang tao na

