KASALUKUYAN, nasa isang coffee shop si Nikolai, kasama niya si Laurice. “Bakit hindi na lang ikaw ang pumalit sa akin dito bilang CEO?” “Naku, huwag na huwag mong babanggitin iyan kay Uncle Lander, hindi ko magagampanan ang trabahong ‘yon. Parang hindi mo alam ang activity ko kaya please lang huwag ako.” Hindi na lang siya sumagot ngunit naramdaman niya ang bahagyang pagsiko nito sa kaniyang tagiliran. Nang lumingon siya sa entrance ay umakyat agad ang kaniyang dugo sa nakita. Lalo pa siyang nakaramdam ng inis dahil sa ginawang pag-akbay ni Brent, at hindi man lang umiwas si Aaliyah. “Gusto mo ba gumawa ako ng eksina?” napabaling ang mukha niya kay Laurice na may pagtatanong. “Ano namang kalokohan ang naiisip mo, siguraduhin mo lang na hindi ka masasaktan.” “Ako ang bahala, basta maupo

