Araw ng pag-alis ni Aaliyah, hindi niya maiwasan ang mapaluha. Dahil alam niyang matatagalan na siyang muling makabalik ng bansa, baon niya ang masakit na alaalang pinagdaanan. Gano’n pa man ay may buhay na nagbibigay sa kaniya ng panibagong pag-asa. Ang kaniyang mga anak, nang sabihin ng Ob-Gynecologist na tatlo ang bata sa kaniyang sinapupunan ay walang tigil ang pagpatak ng kaniyang luha. Takot, pangamba at matinding alalahanin ang pumasok agad sa kaniyang isipan. Paano niya bubuhayin ang tatlong bata ngayon na wala siyang pera. Saan siya kukuha ng pang suporta kung hindi siya maaaring makapagtrabaho. “Alli, okay ka lang ba?” “Bryle, sa palagay mo makakaya ko kayang buhayin ang mga anak ko?” sa halip ay iyon ang lumabas sa kaniyang bibig. Sa ilang araw na nakilala niya ang binata ay