England… Magmula ng dumating siya sa bansang iyon ay medyo nakaramdam ng kapanatagan. Totoo na mabait ang kaniyangTita Lenith at gano’n din ang asawa nito na si Tito Bong. Mas excited pa sila sa araw ng aking panganganak. “Tita Lenith, matagal pa naman po ako bago manganak.” “Hayaan mo na ang Tito Bong mo at ayaw paawat, sabik lang ‘yon na magkakaroon na ng mga bata dito sa bahay.” “Ang laki na po ng mga gastos n’yo sa akin lalo na sa tatlong bata na hindi pa man lang lumalabas sa sinapupunan ko ay nakahanda na ang kani-kaniyang crib, mga damit at laruan. “Kung si Bryle nga ay kinukulit ng asawa ko na mag pakasal na upang magkaroon na raw ng mga anak na mahihiram namin. Kaya lang parang walang plano ang lalaking ‘yon mag-asawa, mas masaya raw siya sa buhay binata.” “Tapos naunhan ko