Sobrang na trauma ang mga bata sa mga nangyari at gusto niyang makalimutan ng mga anak ang mga pangit na alala lalo na at sariling ama pa ang gumawa ng karahasan sa mga ito. “Mommy, nariyan na po si Papa Bryle at ninong Lyndon.” “Sige anak, bumaba na kayo at susunod na ako.” “Sige po mommy.” Nasundan na lang niya ng tanaw ang mga anak. Sana lang sa pupuntahan nilang lugar ay maibalik sa dati ang buhay ng mga anak. “Sweetheart, alin pa ang mga gamit na dadalhin ninyo?” “Wala na Bryle, ang apat na maleta lang na nasa living room. Doon ko na lang bibilihan ang mga bata iba kung sakaling may mga kailangan pa sila.” “Okay, halika na at mali-late na tayo sa flight.” “Oo, nariyan na nag-double check lang ako at baka may naiwan na mahahalagang dokumento.” “Okay bilisan mo na riyan at doon