NAGULAT na lang ang lahat ng wala na si Allanah. Kumilos na itong mag-isa kaya naman ay na alarma si Aaliyah. “Relax baby, hintayin natin ang emergency red button alert." Hindi niya napigilan ang asawa, sumama ito sa ginawa nilang pag sunod sa kakambal nito sa kota ni Madam. “Paano ako makakapag-relax? Nasa loob ang ate ko at walang nakakaalam kung buhay pa siya?” “Alam niya ang gagawin, napag-usapan na namin iyon.” Sa inis ay hindi na sumagot si Aaliyah, lalo lang madagdagan ang galit niya pag nakipag usap pa siya kay Niko. Makalipas ang kainip-inip na sandali ay nag signal ang red button sa mga suot nilang relo. Kaya agad na nagbigay ng order si Niko, sinabi niyang priority muna ilabas ang dalawang bihag. Pagkatapos ay dapat na makuha ng buhay si Alicia De Lion Araneta. At kung may

