Sa Jail, nagwawala si Beary Ramirez at sigaw nang sigaw na parang isang baliw lalo at nalaman nito na ang ama ay kasalukuyan nasa ospital kasama ang apat pa nitong tauhan. Ang pagkakabaril sa mga ito kagagawan ni Allanah Araneta, kasabwat ang asawa niya. “Give me my cellphone, tatawagan ko ang aking lawyer!” pasigaw na utos sa isang pulis. “Ms Ramirez, wala pa po si Hepe at nasa pangangalaga niya ang cellphone mo.” “Puntahan mo sa bahay niya!” “On duty po ako Ms. Ramirez kaya hindi ako maaaring umalis.” Okay, pahiram na lang ng cellphone mo at tatawagan ko ang aking asawa!” “Sorry po Ms. Ramirez, wala po dito ang cellphone ko dahil oras ng tarabaho kaya nasa locker ko.” “F*ck you! Marami kang alibi, ang damot mo manghihiram lang eh!” “Anong problema dito?” “Kailangan raw ni Ms. Ra

