Twin’s Mansion Montemayor, matagal na rin ang lumipas magmula ng huling tumapak siya sa bahay ng mga magulang. Na-miss niya ng sobra ang mansion, lalong lalo na ang daddy, mommy at kapatid. “Young master, kumusta ka na?” agad na yumakap sa kaniya ang ginang. “Yaya, ayos lang po ako narito po ba si Daddy at Mommy?” “Naroon sa lanai, halika pumasok ka anong gusto mong inumin at kumain ka na ba? Kasi ipagluluto kita ng paborito mo, siguro hindi ka kumakain sa tamang oras kaya malaki na ang ipinayat mo?” “Busy lang po ako kaya gano’n.” “Alam kong lagi kang busy, pero hindi mo dapat pinababayaan ang sarili mo. Sige na puntahan mo na sila at igagawa kita ng inomin at sandwich.” “Salamat po yaya,” pilit siyang ngumiti sa itinuturing na niyang isa pang ina. Bago iniwan ito at naglakad papunt

