Patungo na siya sa parking kung saan nakaparada ang kaniyang sasakyan nang may nag busina sa bandang likuran. Nang lumingon siya ay nakabukas ang bintana ng Black Lamborghini Aventador SVJ at namukhaan agad niya ang driver bodyguard ng pinsan si Lath. “Boss, pinasusundo ka ng pinsan mo.” “Bakit raw?” “Hindi ko rin alam, ang sabi ay may mahalaga kayong pag-uusapan.” “Sige, susunod ako sa’yo.” “Dito ka na sumakay at may magmamaneho ng sasakyan mo.” “Okay, sige.” Nang bumukas ang pinto ay bumaba ang isang lalaki kaya inabot niya ang carkey sa lalaking kasama ni Jong. “Doon mo na lang ihatid sa penthouse ko, nariyan ang address sa calling card ko.” “Okay, sir.” Matapos umalis ang lalaki ay sumakay na siya, tinanong niya si Jong, kung bakit pinasundo siya ng pinsan si Lath. Ngunit wal

