Dumating sa bansa si Aaliyah, kasama ang mga anak gano’n din ang kaibigan na si Bryle. At nang makaharap si Atty. Lath Montemayor, ang hahawak ng kaso laban sa mag-ama na Ramirez ay hindi niya natanggihan ang request nito. Ang makilala ang tatlong anak ng buong angkan Montemayor. “Salamat sa pagbibigay ng pahintulot na makilala't makasama ng kanilang abuelo abuela at mga tiyuhin ang triplets. Huwag kang mag-alaala ihahatid ko sila sa oras na pinag-usapan natin.” “Walang anuman Atty. Montemayor, By the way kailan ang unang hearing?” “Sa susunod na linggo araw ng Martes, at bago ang takdang oras ay darating ako dito para ibigay ang ibang detalye.” “Okay, sige at tungkol sa yaya nila hindi na ba talaga kailangan ng mga bata?" “No need, maraming kasambahay sa mansion, malalaki na rin sil

