Gusto niyang umatras nang malaman na naroon sa mansion ang mga anak, hindi kailanman naisip na darating ang pagkakataon na iyon. Ngunit dapat ba siyang matuwa, maging masaya na makikitang muli ang mga anak? Pagkatapos ng mga nangyari noon, ang karahasan na dinanas ng mga ito sa kamay niya. May karapatan ba siyang magpakilala at sabihin na “mga anak ako ang daddy n’yo” wala ‘di ba? “Pinsan, bakit nakatayo ka riyan at hindi pumasok sa loob?” “N-No!” hindi niya kayang harapin ang tatlong bata, baka tingin pa lang ng mga iyon ay tumakbo na siya palayo. Bakit pa siya papasok sa loob at magpapakita, ayaw na niyang mangyari ang nakita niyang galit sa mata ng panganay na si Luke. Hindi niya makalimutan ang tagpong iyon pagkatapos na mabaril ang isang anak at halos mapatay na niya ang kaibigan si

