INABOT si Lucas ng alas onse ng gabi sa opisina. Tinapos niya ang nakapilang trabaho kahit na paulit-ulit bumabalik sa kaniyang isip ang nangyari. Kumain na siya ng hapunan nang tumungtong ang alas otso at pumasok si Trish sa loob ng kaniyang silid at may dalang makakain. Hindi na siya tumanggi pa dahil gutom na gutom na rin naman siya. Nagmamadali niyang inayos ang mga gamit upang umuwi, tinahak ang landas palabas ng gusali at mabilis na nagmaneho pauwi. He was hoping to arrive home where Nova is still awake. Waiting for him on the living room. Ngunit nang makauwi ay ang ginang na si Res lamang ang bumungad sa kaniya, pinagbuksan siya nito ng gate at takhang aasikasuhin ng pagkain nang tanggihan niya. “Nasaan po si Nova?” tanong niya rito. “Natutulog na po sa silid niya.” Tumango siya a