KINAUMAGAHANG MULI ay maagang nagising si Lucas. Sa ikalawang araw ay natulog siya sa bahay ni Athena ngunit nang nagdaang gabi ay sa tabi n anito. Magkayakap silang natulog at parehong mabilis na dinalaw ng antok nang dahil sa pagod, hindi na sila halos nakapag-usap pa nang matagal upang kamustahin ang isa’t isa, subalit ayos lamang iyon sa kaniya. Batid niyang marami pang araw ang darating para sa kanilang dalawa. Bumaba siya sa kusina at nakiusap sa mga kasambahay patungkol sa nais niyang ipahandang pagkain para sa Athena. Masaya namang sinunod iyon ng mga kasambahay na kaagad niyang nakasundo. Naghatak siya ng upuan at naupo doon. “Matagal na ho ba kayong nanilbihan sa mga Nova?” tanong niya habang pinanonood ang ginagawa ng mga ito. Wala naman siyang alam sa pagluluto kaya naman pinan