KINAKABAHANG pumasok sa loob ng kaniyang opisina si Athena. Mag-isa lamang siyang pumasok sa loob ng NovaTech dahil nagpaalam si Lucas na mayroong ilang bagay na aasikasuhin. Inihatid naman siya nito hanggang sa harap ng gusali at bago umalis ay ipinangako sa kaniyang kaagad na babalik. Hindi naman niya na inusisa ito ng maraming katanungan dahil alam niyang hindi lang naman sa kaniya umiikot ang buhay nito. Kaya nga lamang ay mabigat ang kaniyang loob, dahil ngayong oras niya ito kailangan ngunit wala sa kaniyang tabi. But despite of that negative thoughts, she couldn't get mad of him. Lucas had his life too. Just like her, inside this company. “Magandang umaga, Ms. Nova.” Ngumiti siya nang mabungaran si Attorney Imperial sa loob, nakaupo ito sa sofa at mabilis na tumayo nang makita s