KAAGAD na byumahe pabalik ng Maynila sina Athena at Lucas kinabukasan nang madaling araw. Dumiretso sila sa isang memorial chapel sa isang malaki at malawak na garden, kung saan nakaburol ang katawan ni Daniela. Naabutan nilang nagluluksa ang ama ni Lucas habang nakaupo sa unahabang linya ng mga upuan. Nakaitim ito at pinagmamasdan ang puting kabaong ng anak-anakan. Wala itong naging anak na babae, kaya naman nang dumating si Daniela sa buhay nito ay itinuri nang anak. Minahal ito nang tila ba tunay ng anak na babae. “Papa,” tawag ni Lucas sa ama nang makalapit at niyakap ang ama nang napakahigpit. “I'm sorry kung hindi kaagad kami nakabalik.” Hinaplos nito ang likuran ng ama. Bumitaw sila pagkakayakap at naupo ang lalaki sa tabi ng ama. Sumunod naman si Athena at naupo sa tabi ng nobyo.