NAKAHINGA nang maluwag si Athena nang marinig niya ang tunog ng sirena ng mga pulis. Kahit papaano ay nabawasan na ang kaba sa kaniyang dibdib ngunit nanatili ang panginginig ng kaniyang buong katawan. Hindi niya maiwasang hindi mapaisip sa kung ano ang sunod na mangyayari sa kaniya. Kahit na ilang putok ng baril ang ginagawa ni Gil ay hindi ito tinutugunan ng mga pulis dahil batid ng mga ito ang tungkol sa kaniya na isang hostage. Lucas told the polices also that she was pregnant and beg them to save her no matter what. “Gil, please ibaba mo na ‘ko.” Hindi siya mapakali sa kinauupuan. Ang mga palad ay nasa magkabilang tainga dahil sa lakas ng tunog ng baril sa tuwing magpapaputok si Gil sa gawing likuran at gilid. “I said no! So shut up!” malakas na sigaw nito at halos hindi na rin mapa