MARAHAN na niyakap ni Lucas si Athena. Dalawang araw na ang nakalilipas simula nang madala ito sa hospital at ngayong araw lamang ito lumabas ng recovery room at nakasama niya. She undergone raspa procedure. Maya-maya lamang ay maari na silang makalabas ng hospital. Marahan lamang ang ginawa niyang pagyakap kahit kanina niya pa nais yakapin ito nang mahigpit. Puno pa rin kasi ng galos ang buong katawan nito at hindi natatakot siyang masaktan ito. “Bakit, Lucas? Bakit nangyayari sa ‘tin ‘to? Anong nagawa kong mali?” Humahagul ito ng iyak sa kaniyang dibdib. Kung gaano siya nasasaktan ay tiyak siyang ganoon din ang sakit na nararamdaman nito. He wanted to help her, but even him could not give himself any help to at least ease a little bit of the pain. “No, you did nothing. Ginawa natin