NAKAHANDA na ang bagahe ni Nova. Inayos niya ito kanina lamang umaga upang ihanda sa kanilang pag-alis bukas ng umaga. Sasampu lamang ang bilang ng kaniyang iuuwing damit, maging ang pares ng mga sapatos na ibinili rin sa kaniya ni Lucas. Nahihiya man siyang dalhin pabalik sa Elysian ang mga mamahaling gamit na iyon ngunit wala naman siyang magagawa. Mahalaga ito sa kaniya at ang lalaki mismo ang nagbigay. Narinig niya ang pagpasok ng sasakyan sa labas ng kaniyang bukas na bintana kaya naman napadungaw siya. Kumunot ang kaniyang noon ang makita ang sasakyan ni Lucas sa ibaba. Ano kaya’t maaga ito? Dali-dali siyang lumabas ng silid upang salubungin ito sa pagpasok sa bahay. “Nova.” Nakangiti ito. Mabilis na lumapit sa kaniya nang masiyalayan siya at yumakap nang mahigpit. Ilang segundo