MALAKAS ang pagdagungdong ng dibdib ni Gil nang bumaba siya ng sasakyan matapos iparada ito sa tapat ng isang Spanish restaurant. Ilang seguno muna siyang nanatili sa labas pinagaan ang loob, malalim na bumuntong hininga at maya-maya ay diretsong pumasok sa loob ng restaurant. Kaagad na ginagap ng kaniyang mata si Eleonor. Kaagad din naman niya itong nakita. Mabigat ang mga yapak sa tangkang paglapit. Bakit? Hindi niya rin alam. Bakit ngayon ay nag-iba ang ihip ng hangin at kay bigat lalo ng kaniyang dibdib. Paano kung hind inga lamang siya nais makita ni Athena at may sarili na itong buhay kasama ang ibang lalaki? Kung ito ang ibabalita ni Eleonor ay talagang guguhong tuluyan ang kaniyang mundo. Ngunit dahil sa salitang ‘good news’ mula sa imbestigador ay mayroon pa ring pag-asa sa kaniya