Elysian 75

1216 Words

NAPAGKASUNDUAN ni Athena at Lucas na ilihim muna ang kaniyang pagbubuntis dahil baka makadagdag pa iyon sa kalamangan ni Gil sa pinaglalabanan nilang karapatan ngayon sa pagpapatakbo ng buong kumpanya. Hindi pa man tuluyang nanunumbalik ang kaniyang alaala, batid niya sa kaniyang puso na mahalaga ang kumpanyang iyon para sa dating Athena, kaya naman hindi iyon maaaring mawala, o makamkam lamang ni Gil. Hindi niya lubos na kilala ang lalaki subalit nararamdaman niyang hindi pa ito makukuntento sa mga binabalak dahil sa pag-ibig nitong hindi niya nasuklian. Nang sumunod na araw ay pumasok siya sa opisina. Pinag-aralan niyang muli ang nga papeles na ibinigay sa kaniya. Desidido siyang matutunan kaagad ang mga iyon nang walang tumutulong sa kaniya. Nagpaalam si Lucas na sisimulan nang asikasu

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD