Elysian 76

1112 Words

SUNOD-SUNOD na umiling si Athena. “Hindi ko ‘yon magagawa. Mayroon na akong binitawang pangako kay Lucas, at nais ko ‘yong tuparin,” buo ang kaniyang loob sa mga sinabi. Hindi niya alam kung sa paanong paraan ipaiintindi sa lalaki na mayroon na siyang ibang mahal at hindi man lamang tumibok ang kaniyang puso nang una niyang makita si Gil. Wala man siyang maalala subalit batid niyang makikilala ng kaniyang puso ang lalaki kung tunay mang minahal o nagmamahalan sila noon. Subalit ganoon pa man, ang pag-ibig niya para kay Lucas ang prayoridad. “Hindi kita p’wedeng pakasalan.” Umiling si Gil. Durog na durog na ang puso nito at nararamdaman niya iyon. Wala naman siyang magawa upang tulungan ito. Ito lamang ang tiyak na makatutulong sa sarili. “No, I don’t believe you.” Tiim ang bagang nito at

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD