KUMUNOT ang noo ni Nova habang nakatitig siya sa isang babaeng lumapit pa sa kaniya at paulit-ulit siyang tinatawag na Athena. Hindi niya ito sinasagot dahil sa tingin niya ay nagkakamali lamang ito. Sa kaniyang palagay ay nasa sikwenta na ang edad nito ngunit mahahalata sa pananamit at kutis ng balat nito ang karangyaan. Tiyak siyang may kaya ito. “S-sino po sila?” ito na lamang ang kaniyang naging tanong. Tumayo siya mula sa kinauupuan at inilapag ang paper bag na hawak upang harapin ang ginang. “Athena, hindi mo ba ako naalala? Ako si Michelle!” “Michelle? H-hindi ko po kayo maalala.” Hindi niya masabi ang kasalukuyang kalagayan sa ginang. Ngunit bakit bigla na lamang ay nakaramdam siya ng pag-asa sa dibdid? Pag-asa na ang babaeng ito ay kilala siya at maari siyang tulungan upang ma