PAGKASAKAY ni Lucas sa loob ng sasakyan ay kaagad niyang hinarap si Athena. Mariing nakapikit ang mga mata nito at nakasandal sa backrest ng upuan. “Are you okay?” may pag-aalala sa kaniyang tono. Hinawi pa niya nang bahagya ang ilang hibla ng buhok na humarang sa mukha nito. “I’m sorry if I didn’t tell you about G-Gil.” Binasa nito ng laway ang natutuyong labi. “Ayos lang. Hindi rin naman kaagad bumalik ang alaala ko.” Nagmulat ito ng mga mata at mapait na ngumiti. “Halika na?” Tumango siya at diretso nang naupo saka nagmaneho paalis. Sa pagkakataong iyon ay ang sasakyan ni Gil ang kanilang sinundan patungo sa bahay ng mga Nova na siyang ilang buwan nang nabakante nang dahil sa pagkawala ni Athena Nova. Ang kayamanan din na pagmamay-ari nito ay nanganganib na ibigay sa isang charity k