MALALIM na bumuntong hininga si Lucas. Hindi niya alam kung ano ba ang dapat gawin sa mga oras na ito. Hindi madali sa kaniya ang harapin ang pinsan nang nasa ganitong kalagayan ngunit determinado siyang ipaglaban si Nova dahil mahal niya na ito. He can’t take another lost of woman in his life. “H-hindi ko kayo naiintindihan.” Nanlalamig ang palad ni Nova. “P’wede bang ipaliwanag ninyo sa ‘kin ang nangyayari? Dahil masisiraan ako ng ulo sa ginagawa n’yo.” Mariin itong napapikit at naghugot nang malalim na paghinga at nagbuga ng hangin. “Nova—” “Athena, that was her name.” Kaagad siyang pinutol ni Gil sa nais sabihin. Naikuyom niya ang kamao at hinayaan na lamang ito. Hinarap ni Gil ang dalagang gulong-gulo na sa mga nangyayari. “You are Athena, Athena Nova. Nag-iisa kang anak ng mga N