HINDI naunawaan ni Gil ang sinabi ni Lucas. Ang tanging bagay na ngayon ay malinaw sa kaniya ay ang sakit na nararamdaman nang dahil sa kasalukuyang nakikita. Magkayakap ang dalawa sa kaniyang harapan. Hindi niya na halos magawa pang humakbang o magbigkas ng salita. Paulit-ulit siyang napapalunok ng sariling laway habang napakabigat ng nararamdaman. Paano? Paanong umabot sa ganito ang dapat na kaniyang pagdurusahan? “Do you understand me, Gil?” Lucas asked him. He shook his head and faced him. “Hindi ko ‘yon maiintindihan, Lucas. Never.” Nangilid ang luha sa kaniyang mga mata at muling pinasadahan ng tingin si Athena. “Umuwi na tayo, Athena, please. L-let’s go home.” “She had an amnesia, Gil. That's why she cannot even recognize you.” Malalim na bumuntong hininga si Lucas. “Let's talk a