Chapter 47: The Aftershock Trevor POV Diana fainted? Humigpit ang hawak ko sa telepono ko at nahalata naman iyon ni Clare na naka-dekwatro ng upo sa gilid ng kama, hindi ko siya pinansin, sa halip ay inayos ko ang sarili ko't mabilis na lumabas sa kwarto without her consent. "Send her to the hospital!" Giit ko sa kasambahay, I think she's Jorie. "O-Opo Sir..." Mabilis ang pagtibok ng puso ko at tila ba ito lang ang simula ng lahat at may mas malala pa, is this karma speaking? "Pupunta na ako sa ospital. Ok?" Sabi ko sa kasambahay saka tinapos ang tawag, sumunod pala si Clare sa aking paglabas nang hindi ko napapansin, pinagtaasan niya ako ng kilay. "Pupunta ka sa ospital? Bakit? Aren't we supposed to make out?" Nagtagis ang bagang ko at sinamaan ko siya ng tingin, "at first, natara