Chapter 48: The Phobia Diana POV "Ssh, calm down. Ok?" He cupped my face with his hand and forced me to look at him, hindi ko napansin na may mga luha na palang tumutulo sa pisngi ko. "Ano ang nangyayari sa kanya?" Biglang singit ng doktor. Nagbuntong hininga si Trevor, "I guess she's afraid of the hospital." Nakikita ko sa mukha niya na parang sinisisi niya ang kanyang sarili. Binaling ulit ni Trevor ang atensyon niya sa akin, "you'll be fine, andito lang ako. Ok? Aalis din tayo agad dito." He promised. Nang ibaba ni Trevor ang kanyang mga kamay ay isinandal niya ang ulo ko sa kanyang dibdib na matigas, "wala akong dalang panyo kaya gamitin mo na lang ang shirt ko pamunas ng luha mo. Stop crying now, ok?" Suminghot ako at tumango, hindi ko alam pero nakakatulong ang ginagawa ni Trev