Wala siyang imik. Ramdam ko ang galit niya dahil mahigpit ang hawak niya sa aking braso. "Rad, dahan dahan naman," sabi ko at ngumiwi. Wala siyang sinagot at narinig ko lamang siyang nagmura. Pinagtitinginan na kami ng mga estudyanteng nakasalubong namin. Ang iba ay halata ang pagka mangha at adorasyon sa kaguwapohan nito. Bago pa ako may masabi ulit nahigit niya na ako papasok sa isang pinto at padarag na sinara ang ito. Hinarap niya ako na nakapamaywang , salubong ang kilay at galit. "Seriously? Free hug Frix? Free hug? What the f**k!'' He wet his lips at sinuklay niya ang buhok gamit ang kamay. "Free hug? Para lang makabili? Sana sinabi mo nalang sa akin! Para ako nalang ang yayakap sayo!'' Sigaw niya sakin. Kaya nap

