One month mahigit na ang nakakalipas ay naging mas lalong matibay ang relasyon namin ni Rad. Masyado din siyang bulgar. Hinahalikan niya ako at niyayakap kahit maraming tao. "Alam mo may bagong transfere ngayon. Babae sa Medicine building." Kwento sa amin ni Cassy. Vacant kasi namin kaya nandito kaming tatlo ngayon sa soccer field.Nakasilong sa isang malaking puno na may nakahilerang mga benches. "Talaga? Saan galing na school?" Tanong ko at ininom ang aking hawak na frapp. Cassy shrugged. "Hindi ko alam. Galing daw sa States e'. Pero Pinay naman." Wala kasi Si Rad. May klase pa siya. Hindi tugma ang aming schedules. "Ano daw ba ang pangalan ng tran

