“Ano raw pala ang plano ni Elly sa picture frame ng family portrait mong binasag na naman niya? Ganu’n-gano’n na lang ‘yon? Hahayaan na lang siya na parang walang nangyari at paano kapag inulit na naman niya?” “’Yon na nga, Aus. According sa magaling naming boss, sinabihan na raw niya si Elly na palitan ng panibagong glass frame ‘yung binasag! Dapat lang, ano! Nananahimik ‘yung picture frame sa tabi, eh, tapos idadamay niya sa pamimikon niya sa akin! D*mn her, really! At sisingilin ko siya siyempre nu’n! I won’t just let it pass!” “Yes. Good.” “Pero ‘yon na nga, alam mo, kung nakakainis si Elly, mas lalo namang nakakainit ng ulo si Grant! Porque, he’s the boss! Isang side lang ‘yung pakikinggan at paniniwalaan saka papanigan kaagad niya? How about the truth? The whole truth? Hindi ba da