LUNCH time at tulad ng nakagawian magmula nang mapababa sa posisyon si Meiryn bilang CMO na sapilitang naging sekretarya na lamang ng bagong Presidente, sumasabay siya sa dating sekretarya niya at sa mga naging bagong kaibigang kasama ni Ruth ngayon sa communications and call center department. Dati na siyang kilala ng mga ito nang nasa taas pa siya at hanggang ngayon ay walang nagbago at tinitingala at nirerespeto pa rin siya ng mga ito na parang big boss pa rin ng kompanya, mas naging close at mas naging friends nga lang siya sa mga ito kasi nga sinasabay-sabay na siya ni Ruth kapag kumakain sila tuwing lunch time dito sa canteen. Mas mabuti nang ganito at sumabay siya sa genuine na mga tao kaysa ang manatili whole day doon sa opisina at makipagplastikan kay Grant! Dito na nga lang siy