“I heard may balak kayong ipakulam? Sino kaya ‘yon?” tanong pa kay Meiryn ni Grant kahit na alam naman na talaga nito ang sagot. Napayuko at hiyang-hiya tuloy ang mga kasamahan ng dalaga. Siya nama’y ‘ni hindi makalingon sa lalaking nasa likuran. “Sino kaya ‘yung balak ninyong ipabarang na sasakit na sasakit nang husto ‘yung tiyan at hindi na makakatayo pa sa sobrang sakit?” Mas diniinan pa nito ang pagsasalita para tuyain si Meiryn. Kahit isa sa kanila ay walang naglakas-loob na magsalita. Prenteng ngumisi ang lalaki at naglakad papunta sa gilid niya at pagkatapos ay ito na mismo ang kumuha ng isang hibla ng buhok nito, saka napatingala siya rito nang marahan nitong kuhanin ang kamay niya para ito na rin mismo ang mag-abot ng buhok nito sa kanya. “A-anong―” “Kakailanganin mo ‘yan sa