Bahagya siyang napatungo sa sinabi nito at nang lumabas na ito’y nagkibit siya at lumabas na rin ng sasakyan. Nauna ito sa paglalakad at sumunod siya. Ipinagbukas pa siya nito ng pinto. Pagkapasok pa lang, hindi niya mapigilang mamangha sa nakikitang iba’t-iba klase ng mga ginawa at tinahing mga damit at gowns for particular events. “Hi, Grant!” Kapwa silang napatingin sa babaeng maganda at sexy at sosyalin na lumapit at nakangiting sumalubong sa kanila. She looks very welcoming and accommodating. “Sasha, hi!” Simpleng nagbeso ang dalawa. They looked like they knew each other for a long time and they’re friends. “Hi,” binati din si Meiryn ng nasabing babae at nakipagbeso din ito. She must be the manager and the owner of this boutique. Meiryn smiled as friendly as the sophisticated