Nang may matipuhan ay iyon na ang kinuha. Bumalik ito malapit sa kanya saka marahang inilapag ang isang heeled sandals. It’s a Badgley Mischka sandal that looks stylish and classy. It’s a shimmering satin in style with a touch of glamour. She looked at Sasha and she gave her a go-nod. “Sige na. Isukat mo na.” ‘Yon nga ang kanyang ginawa. Isang pares pa lang ng sandals ang naisusuot niya nang marinig nilang may biglang kumakatok sa pinto. “Girls, matagal pa ba kayo diyan?” It was Grant checking on them. “Be patient, Grant! Sandali na lang ‘to! I’m making sure that everything is suitable and glamorous for your bride!” ang marahan namang tugon ni Sasha. “Fine. Basta dalian na ninyo. By 3 PM, ini-expect na ng Judge na dumating kami sa venue. It’s already quarter to two!” “Hmp! Ang sabihi