HINDI mapigilan ni Meiryn ang mapasulyap paminsan-minsan kay Grant habang nakaupo ito sa swivel chair nito at mukhang abala sa ginagawa nito sa laptop nito. Seryoso ito at tila hindi maiistorbo ninuman. Siya man din ay abala ngunit alam niyang hindi kasing-abala at kaseryoso nito. Napansin din niya ang bahagyang pangangayayat ng asawa at lumalalim ang mga mata nito. Nitong mga nakaraan din ay may mga itinatanong ito tungkol sa mga natatanggap niyang strange stuffs and threats. Sinagot naman niya nang marahan at maayos ang bawat tanong. Maya’t-maya ring may tumatawag sa cellphone nito at nakikipag-usap ito malamang ay doon sa investigator na umaasikaso at tumutulong sa kanilang matukoy kung sino ba talagang nagpapadala. Sa sobrang abala ni Grant, ‘ni hindi maiwasang matanong ni Meiryn sa