"IBABA mo na 'yang patalim na hawak mo, Miss, at pakawalan mo ang asawa ko," ang marahang pakiusap ni Grant sa kasalukuyang may hawak kay Meiryn. Naging mabilis ang mga pangyayari... Nakabalik si Grant sa opisina at tuloy ang trabaho sa mga nagdaang araw, at heto nga, isang araw ay lumutang na rin sa wakas ang taong pinaghahahanap nila sa likod ng pagpapapadala sa asawa niya ng mga kahindikhindik na bagay. "Sumuko ka na lang ng maayos, Miss," sunod namang marahang kausap ng isang awtoridad na kasama ni Grant at kapwa nakatutok ang baril ng mga ito sa humu-hostage kay Meiryn. Miss... yes, babae ang may pakana ng lahat! Ngunit hindi para sa kanyang asawang si Grant ang sentimyento nito, kundi para sa isa ring lalaking malapit sa kanya at sa kanyang buhay... "Miss Carmela De Juan, nakikiu