Nalulungkot at nag-aalala ang mga mata ng nasabing lalaki habang nakikita ang helpless na mukha ng babae at takot sa mga mata. Lungkot din ang lumukob sa mukha nito nang ang babae namang nasa likod niya ang binalingan nito. "Carmela, tama na. Bakit mo ba ginagawa 'to? Itigil mo na 'to," mababa ngunit nakikiusap ang tinig na salita ni Austin. Nabasag ang tinig ng hostage-taker na nagpipigil ng mga luha. "Sinaktan ka niya, Austin! Minahal mo siya nang ilang taon, umasa ka sa kanya! Umasa kang pipiliin ka niya, pero nagpakasal siya sa iba! Sinaktan niya ang damdamin mo, ang puso mo! Hindi ko siya mapapatawad!" Hindi halos makagalaw si Meiryn... so, this woman... this woman is into her best friend! Kaya pala ganito na lang kalaki ang galit sa kanya! Ngunit na-misinterpret yata nito ang nat